WATCH: Senado inirekomendang kasuhan si Albayalde dahil sa isyu ng ‘ninja cops’
By Jan Escosio October 19, 2019 - 04:00 AM
Inirekomenda ng Senate Justice at Blue Ribbon committees na kasuhan ang naka “non-duty status” na si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde dahil sa isyu ng “ninja cops.”
Ayon kay Senator Richard Gordon, ang drug raid sa Pampanga noong 2013 ay kaso ng “hulidap” at nagkaroon ng “cover-up” sa panig ni Albayalde.
Nahaharap ang PNP chief sa patong-patong na kaso kabilang ang paglabag sa Anti-Corruption and Graft Practices Act.
May report si Jan Escosio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.