CHR naalarma sa pahayag ni Pang. Duterte na “kill everybody”

By Len Montaño October 19, 2019 - 01:06 AM

Naalarma ang Commission on Human Rights (CHR) sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “free to kill everybody” kung saan tila binigyan nito ng basbas si Police Lt. Col. Jovie Espenido na malaya itong pumatay sa gitna ng kampanya kontra droga sa Bacolod City.

Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang pahayag ng pangulo ay isa umanong pagkunsinti sa “impunity.”

Hindi anya dapat gawin ang pahayag para maging normal ang karahasan sa bansa at pumatay ng tao.

Paalala ng ahensya, hindi dapat magsagawa ng “extra-legal process” ang mga otoridad sa implementasyon ng drug war.

Iginiit pa ng CHR na ang law enforcement agents lalo na ang mga pulis ay dapat sundin ang standard operating procedures at paggalang sa karapatang pantao sa gitna ng pagtupad ng kanilang tungkulin.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang administrasyon na hindi dapat hikayatin ang mga pulis na labagin ang batas dahil may paraan para panagutin ang mga masasamang loob.

 

TAGS: “free to kill everybody”, Atty. Jacqueline Ann De Guia, bacolod city, CHR, drug war, extra-legal process, Lt. Col. Jovie Espenido, Rodrigo Duterte, “free to kill everybody”, Atty. Jacqueline Ann De Guia, bacolod city, CHR, drug war, extra-legal process, Lt. Col. Jovie Espenido, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.