Pilipinas at India nagkasundo sa isyu ng terorismo at maritime security

By Len Montaño October 19, 2019 - 12:22 AM

Screengrab of RTVM video

Pinalakas ng Pilipinas at India ang ugnayan para sa pagsusulong ng seguridad sa karagatan at kampanya kontra terorismo.

Sa joint statement matapos ang bilateral meeting sa Malakanyang Biyernes ng gabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkasundo ang dalawang bansa na palakasin ang maritime security at paglaban sa extremism.

Binanggit ng pangulo na ang Pilipinas at India ay nasa strategic location sa Pacific at Indian Ocean kaya pareho ang nais ng dalawang bansa na protektahan ang maritime security at labanan ang terorismo.

“As countries strategically located in the Pacific and Indian Oceans, we affirmed our shared interest to protect our maritime commons and advance the rule of law in our maritime domains…We agreed also to continue working together to fight terrorism and violent extremism and other transboundary threats,” ani Duterte.

Pahayag ito ni Duterte sa gitna ng limang araw na state visit ni Indian President Ram Nath Kovind sa Pilipinas para ipagdiwang ang 70 taong diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kanya namang panig ay inihayag ni President Kovind ang kanyang commitment na mapuksa ang terorismo dahil katulad anya ng Pilipinas ay biktima rin ang India ng karahasan.

“Both of our countries have been victims of terrorism. As you know, India has been the target of cross-border terrorism for decades. They committed to work closely to defeat and eliminate terrorism in all its forms and manifestations,” pahayag ng Indian president.

Samantala sa parehong pulong ay nagkaroon din ang Pilipinas at India ng mga kasunduan sa larangan ng science at teknolohiya gayundin sa turismo at kultura.

Dagdag ni Pangulong Duterte, nagkasundo sila ni President Kovind na isulong ang ekonomiya ng dalawang bansa dahil nangunguna ang Pilipinas at India sa industriya ng information technology (IT) at business processing outsourcing (BPO).

 

TAGS: bilateral meeting, BPO, diplomatic relations, India, Indian President Ram Nath Kovind, IT, kultura, maritime security, Pilipinas, Rodrigo Duterte, science, state visit, teknolohiya, Terorismo, turismo, bilateral meeting, BPO, diplomatic relations, India, Indian President Ram Nath Kovind, IT, kultura, maritime security, Pilipinas, Rodrigo Duterte, science, state visit, teknolohiya, Terorismo, turismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.