3 katao patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Bayawan City Police photo

Patay sa pamamaril ng tatlong suspects na nakasaksay sa motorsiklo ang tatlong katao na nakasakay din sa motorsiklo sa Sitio Cancaban, Barangay Banga, Bayawan City, Negros Oriental.

Kabilang sa mga nasawi ang isang 60 anyos na biyuda at isang menor de edad na lalaki.

Kinilala ni Bayawan City Police Station officer in charge Police Lt. Josue Lungog ang mga namatay na sina Heide E. Rio, 60 anyos at biyuda, ang kinakasama nitong si Richard L. Billalos alyas Gagang, 29 anyos at ang binatilyong si John Anthony R. Bormelado.

Ang mga biktima ay sakay ng motorsiko na may plakang XR 125 at ilang metro na lamang ang layo sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng tatlong suspects.

Nabatid na bumagsak na ang mga biktima pero ilang beses pa silang pinagbabaril ng mga suspects.

Hindi na umabot ng buhay sa Bayawan District Hospital ang mga biktima.

Isinantabi ng pulisya ang anggulong droga sa krimen dahil nagtitinda lamang ang biyudang si Rio ng herbal medicines.

Posible naman umanong tinamaan ng ligaw na bala ang dalawa pang biktima.

 

Read more...