Bagyong Perla napanatili ang lakas habang papalapit sa Philippine Sea

By Len Montaño October 18, 2019 - 11:27 PM

Napanatili ng Tropical Storm Perla ang lakas nito habang mabagal na lumalapit sa Philippine Sea.

Sa Pagasa Severe Weather Bulletin No. 7 na inilabas alas 11:00 Biyernes ng gabi, ang bagyo ay nasa 775 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kilometers per hour at bugsong 90 kilometers per hour.

Tinatahak ng Tropical Storm Perla ang direksyong Hilaga Hilaga-Kanluran ng bansa.

Ayon sa Pagasa, walang tropical cyclone wind signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa pero iiral ang northeasterly surface wind flow sa Extreme Northern Luzon.

Mapanganib ang paglalayag lalo na sa maliliit na sasakyang pandagat sa seaboards ng Northern Luzon.

Sa Martes ng gabi inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Perla.

 

TAGS: Bagyo, Extreme Northern Luzon, napanatili ang lakas, northeasterly surface wind flow, Pagasa, perla, philippine sea, Tropical storm, Bagyo, Extreme Northern Luzon, napanatili ang lakas, northeasterly surface wind flow, Pagasa, perla, philippine sea, Tropical storm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.