MTRCB: Pelikulang ‘Abominable’ tinanggal na sa mga sinehan
Kinumpirma ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na tinanggal na sa mga sinehan sa buong bansa ang pelikulang “Abominable” mula pa noong Martes.
Hakbang ito ng MTRCB sa gitna ng kontrobersya dahil ipinakita sa naturang US-Chinese-made animated movie ang “nine-dash” line map kaugnay ng pag-angkin ng Beijing sa mga teritoryo sa South China Sea.
Sa pahayag ng ahensya sa Pilipino Star Ngayon, nakasaad na hindi na ipinapalabas ang pelikula sa mga sinehan simula pa noong October 15.
Ayon kay MTRCB Chairperson Rachel Arenas, naintindihan ng ahensya ang sitwasyon na dulot ng pelikulang “Abominable.”
“MTRCB understands the situation brought about by the movie ‘Abominable.’ We wish to assure the public that the said movie is already off the Philippine market effective October 15, 2019,” ani Arenas.
Ipinakita sa pelikula ang tungkol sa “nine-dash” line na nagpapakita ng malawakang pagsakop ng China sa mga teritoryo sa rehiyon.
Nagsimulang ipinalabas ang “Abominable” sa bansa sa unang bahagi ng Oktubre pero lumutang ang isyu at mga negatibong reaksyon kalaunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.