Nasabat ng mga gwardya ng kulungan sa Surigao del Norte ang 60 dahon ng tabako na isinilid sa loob ng mga kamoteng kahoy.
Sa report ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Caraga Region, ininspeksyon ni SJO3 Bernard Pobe ang lahat ng mga gamit na dala ng mga bisita na papasok sa Surigao Del Norte District Jail.
Sa gitna ng inspeksyon ay nakumpiska ni JO1 Rea Shenn Hinampas ang 60 na dahon ng tabako na nakalagay sa mga cassava crops o mga kamoteng kahoy.
Ang kontrabando ay ipapasok sana ng isang menor de edad na bibisita sa isa sa mga preso.
Kinumpiska ang kontrabando at hindi pinayagan na makapasok ang mga bisita ng hindi pinangalanang inmate.
MOST READ
LATEST STORIES