Pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International bigong makasali sa pageant dahil sa isyu sa passport

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 08:48 PM

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang official passport record sa kanila si Bb. Pilipinas Grand International candidate Samantha Lo.

Unang napaulat na pinauwi ng Pilipinas si Lo matapos kwestyunin ng French immigration dahil peke umano ang pasaporte nito.

Patungo na sana si Lo sa Caracas, Venezuela para katawanin ang Pilipinas sa Miss Grand International pageant.

Ayon kay Foreign Affairs Asst. Sec. Ed Meñez, sa ginawang pagsisiyasat ng DFA ay nakumpirma na wala si Lo sa kanilang passport database.

Patuloy pa naman ang ginagawang pagsisiyasat ng DFA sa isyu.

Ayon sa post sa social media ng mga pageant fans, mula Paris ay hindi nakadiretso ng Caracas si Lo at pinauwi na ng Pilipinas.

Simula noong Oct. 9 kung saan nag-post ng larawan si Lo sa kaniyang Instagram hawak ang watawat ng Pilipinas ay wala pang update sa kaniyang social media ang beauty queen.

TAGS: Bb. Pilipinas Grand International, Miss Grand International, passport, Samantha Lo, Bb. Pilipinas Grand International, Miss Grand International, passport, Samantha Lo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.