Magsaysay, Davao Del Sur isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsala ng lindol
Isinailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Magsaysay sa Davao Del Sur.
Ito ay kasunod ng pinsala ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Cotabato noong Miyerkules ng gabi.
Sa datos ng lokal na pamahalaan ng Magsaysay, 165 na mga bahay ang nawasak ng lindol habang nakapagtala naman ng 685 na bahay na nagtamo ng partial damage.
Dahil sa lakas ng pagyanig na naramdaman sa naturang bayan, isang simbahan din ang nasira gayundin ang isang paaralan sa Barangay Bacungan.
Sa ngayon, sinabi ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), hindi pa maaring magamit ang mga silid-aralan sa Salud Cagas Technical Vocational High School.
Naghahanap na lang muna ng lugar na maaring magamit para maipagpatuloy pa rin ang klase ng mga mag-aaral.
Una nang nagdeklara din ng state of calamity ang bayan ng Makilala sa North Cotabato dahil sa pinsala ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.