BPI may major systems upgrade sa Sabado, Oct. 19

Magsasagawa ng major systems upgrade ang Bank of the Philippine Islands (BPI) bukas Sabado, October. 19.

Sa abiso ng BPI, magsisimula ang systems upgrade alas 12:01 ng madaling araw ng Sabado at tatagal hanggang alas 11:59 ng gabi.

Layon umano nitong mas mapabuti pa ang serbisyo sa kanilang mga kliyente.

Sa kasagsagan ng major systems upgrade, hindi magagamit ang online banking, mobile app, BizLink at ELink platforms, ATMs, CAMs, at Debit Card services.

Sarado din ang lahat ng branches ng BPI mula October 19 hanggang 20.

Maari namang magamit pa rin ang credit card at prepaid card services ng BPI.

Read more...