Malakas na aftershock muling naitala sa Tulunan, North Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 07:43 PM

Nakapagtala muli ng may kalakasang aftershocks sa Tulunan, North Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, alas 6:56 ng gabi ng Biyernes, Oct. 18 naitala ang magnitude 4.7 na lindol sa Tulunan.

Ang epicenter ng pagyanig ay sa 18 kilometers southeast ng Tulunan na may lalim na 16 kilometers.

Naitala ang sumusunod na intensities bunsod ng naturang lindol:

Intensity IV – Tulunan, Cotabato
Intensity III – Kidapawan City; Matalam, Cotabato

Instrumental Intensities:
Intensity IV – Kidapawan City
Intensity III – Koronadal City, South Cotabato; Malungon, Sarangani
Intensity II – Tupi, South Cotabato
Intensity I -Alabel, Sarangani

Ang naturang lindol ay aftershock pa rin ng magnitude 6.3 na pagyanig na naitala noong Miyerkules ng gabi sa Tulunan.

TAGS: earthquake, North Cotabato, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tulunan, earthquake, North Cotabato, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tulunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.