Apat na babae nailigtas sa isang sex den sa QC

Nailigtas ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na babae na nagtatrabaho sa isang spa na ginagamit din bilang sex den sa lungsod.

Sinalakay ng mga pulis ang Dragon Spa sa E. Rodriguez Avenue alas 2:00 ng hapon ng Biyernes, Oct. 18.

Naaresto naman ang isang Charmaine Punzalan na nagtatrabaho bilang cashier at receptionist sa pasilidad at ang isang Dennis Ayo Mendoza na customer ng spa.

Ayon sa QCPD, mayroong online reservation system ang Dragon Spa para makapagpa-book ang mga customer nito at website kung saan nakapaskil ang larawan ng mga babae.

Iniutos na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpapasara sa nasabing establisyimento at pagkansela sa business permit nito.

Read more...