Bagyong Perla bahagyang lumakas, nanatiling hindi kumikilos sa PH sea
Sa Lunes, pa Oct. 21 lalabas ng bansa ang Tropical Storm Perla.
Sa 5PM weather update ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 790 kilometers east ng Basco, Batanes.
Hindi nabago ang lokasyon ng bagyo simula Biyernes ng umaga.
Lumakas din ang bagyo at taglay na ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Wala pa ring direktang epekto saanmang panig ng bansa ang bagyo.
Tanging localized thunderstorms ang mararanasan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.