Ayon kay Captain Jayrald Ternio, pinuno ng public affairs office ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, ang apat na sumuko ay kasunog na nauna nang pagsuko ng 22 NPA members noong Miyerkules.
Dahil dito, umakyat na sa 26 ang bilang ng mga sumukong rebelde sa Calabarzon sa nakalipas lang na dalawang araw.
Umabot sa 10 armas ang isinuko din ng mga sumukong rebelde.
Ayon kay Ternio, ang mga rebel returnees ay pawang Dumagats at galing sa Sierra Madre mountain, at dating bahagi ng Guerilla Front Cesar na nag-ooperate sa Laguna, Rizal, at Quezon.
MOST READ
LATEST STORIES