Lalaki arestado matapos magsisigaw at magwala sa loob ng Quiapo Church

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 06:17 PM

Timbog ang isang lalaki makaraang magsisigaw habang may idinaraos na misa sa Quiapo Church, Biyernes (Oct. 18) ng umaga.

Ayon kay Police Maj. Garman Manabat, dire-diretsong naglakad ang hindi pinangalanang lalaki papalapit sa altar, dakong alas 7:30 ng umaga.

Nakasuot ng itim na t-shirt ang lalaki na may naka-imprentang mukha ni Hesukristo nang siya ay dumating sa simbahan.

Nang makalapit sa altar ay nagsimula na umanong magsisigaw at magwala ang lalaki.

Hindi pa alam ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng panggugulo ng lalaki pero bago umano ito dumating sa simbahan ay may pinuntahan na itong lugar sa Quinta Market at nakita siyang nanggulo din doon.

Dinala sa Plaza Miranda Police Community precinct ang lalaki.

TAGS: man arrested, manila, PH breaking news, Philippine News, Quiapo Church, Tagalog breaking news, tagalog news website, man arrested, manila, PH breaking news, Philippine News, Quiapo Church, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.