Suspek sa pamamaril sa isang Pinay at isang Australian sa Olongapo City naaresto na

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 06:03 PM

Naaresto na ng mga otoridad ang isang Australian national na sangkot sa pagpatay sa dalawang katao sa Olongapo City.

Kinilala ang suspek na si Michael McLaren na guest sa isang beach resort na pag-aari ng isa sa mga biktima.

Base sa imbestigasyon, nakitang bumaba si McLaren mula sa kulay maroon na Mitsubishi Mirage matapos barilin ang mga biktimang sina Mila Bailey at Australian na si Anthony George Wilson na kanilang ikinasawi.

Ang isa pang biktima na si Wayne Bailey na asawa ni Mila ay sugatan at patuloy na ginagamot sa ospital.

Nabatid na pag-aari ng mag-asawang Bailey ang Gum Leaves Beach Resort habang si Wilson ang nagmamay-ari sa Crazy Horse Bar Subic.

Ayon kay Olongapo City Police Office (OCPO) Dir. Col. Benjamin Sembrano, patuloy ang imbestigasyon kung ano ang motibo ni McLaren sa krimen.

TAGS: Australian national, Michael McLaren, Olongapo City, PH breaking news, Philippine News, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Australian national, Michael McLaren, Olongapo City, PH breaking news, Philippine News, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.