“Huwag maingay” sign nakita ng OFW na nakapaskil sa isang bus sa Taiwan

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 05:50 PM

Ibinahagi ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang larawan sa loob ng isang bus matapos niyang

madiskubre ang isang babala na nakasulat sa Filipino.

Sa kaniyang Facebook, ibinahagi ni Ariel Gonzales Abalos ang larawan ng sign na may nakasulat na “Huwag maingay”.

Ayon kay Abalos nakita niya ang “Huwag Maingay” sign sa bus na patungong Zhongli.

Maliban sa Filipino ay may Chinese translation din ang babala.

Sa panayam ng INQUIRER.net kay Abalos, sinabi niya na nagulat siya kung bakit Tagalog at Chinese translation lang ang nakapaskil sa bus.

Mabilis na nag-viral ang post na ito sa Facebook ni Abalos.

TAGS: huwag maingay sign, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, taiwan bus, Viral, huwag maingay sign, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, taiwan bus, Viral

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.