DOH hindi kukulangin ng pambili ng condom ayon sa Malacañang

By Alvin Barcelona January 12, 2016 - 08:44 PM

condom
Inquirer file photo

Hindi mawawalan ng budget ang Department of Health (DOH) sa pagbili ng mga condom at iba pang artificial contraceptives.

Ito ay matapos na linawin ng Palasyo ng Malakanyang na hindi tinapyas ang buong pondo para sa contraceptives mula sa budget ng DOH na nakapaloob sa sa 2016 General Appropriations Act.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., ipinaliwanag ni Budget Sec. Butch Abad na ang panukala nilang budget para sa Family Planning Program ay mahigit na P3Billion pero sa isinabatas na pambansang budget ay binawasan ito ng mahigit sa P800Million o ang budget na nakalaan bilang pambili sa mga articial contraceptives

Nilinaw ng Budget Department na pinatanggal ito ni Senador Tito Sotto sa Bicam hearing dahil sa kautusan ng Korte Suprema na pansamantalang nagpapatigil sa pagbebenta ng nasabing contraceptive.

Nilinaw ni Coloma na sa nilagdaan na national budget ay may inaprubahang pondo para sa Women’s and Men’s Health Development Component ng Family Health and Responsible Parenting Program na P2Billion na maaaring gastusin ng DOH para sa contraceptives.

Aniya ang nasabing budget kasama ang hindi pa nagagastos na pondo ng Health Department ay maaari pa nilang gamitin ngayong taon.

TAGS: ABAD, Coloma, Condom, doh, ABAD, Coloma, Condom, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.