Environment official patay sa pananambang sa Leyte

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 05:12 PM

Patay makaraang tambangan ang isang opisyal ng municipal environmental and natural resources sa Albuera, Leyte.

Naganap ang pananambang alas 6:50 ng umaga ng Biyernes, (Oct. 18) habang nasa labas ng kaniyang bahay ang biktima.

Sakay ang biktimang si Teofilo Granada, 51 anyos ng Toyota Hilux nang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at saka siya pinagbabaril.

Nagawa pang makatakbo ng biktima pero may dumating na isa pang motorsiklo at binaril muli siya ng sakay nito.

Ayon kay Capt. John Rey Layog, hepe ng Albuera Police Station, may nakuha silang mga dokumento mula kay Granada kung saan nagpapakita na may mga nasita itong indibidwal na sangkot sa illegal quarrying at illegal lumber business.

TAGS: Albuera Police Station, ambush incident, environment official, municipal environmental and natural resources, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, Albuera Police Station, ambush incident, environment official, municipal environmental and natural resources, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.