Maraming government structures sa Tulunan, North Cotabato napinsala ng lindol
80 percent ng government structures sa Tulunan, North Cotabato ang naapektuhan ng tumamang magnitude 6.3 na lindol noong Miyerkules.
Ayon kay Tulunan Mayor Reuel Limbongan, maraming pasilidad ng lokal na pamahalaan ang naapektuhan sa siyam nilang mga barangay.
Kabilang sa napinsala ay ang mga barangay hall, health centers at maging senior citizens’ hall.
Ang Barangay Bituan at Paraiso ang maituturing na hardest hit ayon kay Limbongan.
Sa ngayon sinabi ni Limbongan na pinag-aaralan na nila ang pagdedeklara ng state of calamity sa kanilang bayan.
Hinihintay na lamang ang kumpletong report ng local disaster management office sa lawak ng pinsala ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.