Sa larawan ng Philippine National Police (PNP), makikitang ilan sa mga nakumpiskang bagay ay mga mamahaling relo, bag, lotion, iba pa hygiene products, food seasoning at ilang pirated DVDs.
Nagkakahalaga ang mga nasamsam na pirated DVD ng Optical Media Board (OMB) ng P7 milyon.
Nasa P58 milyon naman ang mga mamahaling bag at relo, kasama ang mga lotion at iba pang hygiene products.
Samantala, nasa 1.1 milyon naman ang mga nakuhang pharmaceutical products ng Food and Drug Administration (FDA).
Sa kabuuan, tinatayang nasa P80.2 milyon ang mga sinirang bagay sa 4th quarter ceremonial destruction.
Ayon kay Josephine Santigao, director general ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), ang pamimirata ay pagnanakaw sa mga gumagawa ng kaparatan para magbenepisyo sa kanilang produkto.
Makakasira rin aniya ito sa cultural icon at kita ng bansa
Katuwang din ng NCIPR sa seremonya ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Customs (BOC), National Telecommunications Communication (NTC), National Bureau of Investigation (NBI), National Book Development Board (NBDB) at Office of the Special Envoy on Transnational Crime.