P80M halaga ng mga pekeng produkto winasak Camp Crame
Winasak ng National Committee on Intellectual Property (NCIPR) ang milyun-milyong halaga ng nakumpiskang bagay sa Camp Crame sa Quezon City, araw ng Biyernes (Oct. 18).
Sa larawan ng Philippine National Police (PNP), makikitang ilan sa mga nakumpiskang bagay ay mga mamahaling relo, bag, lotion, iba pa hygiene products, food seasoning at ilang pirated DVDs.
Nagkakahalaga ang mga nasamsam na pirated DVD ng Optical Media Board (OMB) ng P7 milyon.
Nasa P58 milyon naman ang mga mamahaling bag at relo, kasama ang mga lotion at iba pang hygiene products.
Samantala, nasa 1.1 milyon naman ang mga nakuhang pharmaceutical products ng Food and Drug Administration (FDA).
Sa kabuuan, tinatayang nasa P80.2 milyon ang mga sinirang bagay sa 4th quarter ceremonial destruction.
Ayon kay Josephine Santigao, director general ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), ang pamimirata ay pagnanakaw sa mga gumagawa ng kaparatan para magbenepisyo sa kanilang produkto.
Makakasira rin aniya ito sa cultural icon at kita ng bansa
Katuwang din ng NCIPR sa seremonya ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Customs (BOC), National Telecommunications Communication (NTC), National Bureau of Investigation (NBI), National Book Development Board (NBDB) at Office of the Special Envoy on Transnational Crime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.