Mahigit 50,000 piraso ng siopao na nakumpiska sa Bacolod, pinabalik sa Cebu

By Angellic Jordan October 18, 2019 - 04:35 PM

Ipinadala pabalik sa Cebu ang mahigit 51,000 na piraso ng siopao sa Bacolod Real Estate Development Corp.

Ayon sa Provincial Veterinary Office, nasa kabuuang 51,840 na piraso ng siopao ang naharang dahil sa siyamnapung araw na pagbabawal sa pagpasok ng pork products mula sa Luzon.

Nagkakahalaga ang mga siopao ng P1.1 milyon.

Nanggaling ang kargamento sa Mandaue City, Cebu ngunit base sa mga dokumento, ang manufacturing address ay mula sa probinsya ng Quezon.

Matatandaang nakumpiska rin ng mga otoridad ang pork products sa ilang pantalan at paliparan sa Negros Oriental kasunod ng kampanya laban sa African Swine fever (ASF) sa Visayas at Mindanao.

TAGS: African Swine Fever, bacolod city, PH breaking news, Philippine News, pork products, Radyo Inquirer, siopao, Tagalog breaking news, tagalog news website, African Swine Fever, bacolod city, PH breaking news, Philippine News, pork products, Radyo Inquirer, siopao, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.