NPA member nakatakas sa bilangguan sa Northern Samar

October 18, 2019 - 03:49 PM

Tumakas sa bilangguan ang isang miyembro ng New People’s Army na naaresto ng mga otoridad noon lamang buwan ng Marso.

Si Aljun Cardenas, 18 anyos ay tumakas mula sa maximum detention cell ng Allen sub-provincial jail sa Northern Samar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, gumapang umano is Cardenas paakyat ng water tank na katabi ng concrete fence sa likod ng bilangguan.

Nagtungo naman agad sa kalapit na police station ang dalawang jail guards poara humingi ng tulong sa mga pulis.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng hot pursuit operation kay Cardenas.

Si Cardenas ay nahaharap sa kasong robbery with homicide at illegal possession of firearms.

TAGS: allen norhern samar, new people's army, npa member, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, allen norhern samar, new people's army, npa member, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.