Ayon kay Ador Canlas, direktor ng DPWH-National Capital Region, magsisimulang isara ang mga aayusing kalsada bandang alas onse, Biyernes ng gabi, October 18.
Narito ang mga apektadong kalsada:
ESDA Southbound:
– Camp Crame Gate hanggang pagkatapos ng Annapolis Street, sa tabi ng MRT
– bago mag-Estrella Street, outer lane
– Panorama Building hanggang Bansalangin Street, unang lane mula sa sidewalk
EDSA Northbound:
– pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang New York Street, ikatlong lane mula sa sidewalk
– malapit sa National Irrigation Administration (NIA) South Road, ikatlong lane mula sa sidewalk
Sa Katipunan avenue/C-5 northbound:
– Pagkatapos ng C.P. Garcia Street, truck lane
Sa bahagi naman Gregorio Araneta Avenue (G. Araneta);
– mula T. Arguelles hanggang Bayanin, unang lane mula sa sidewalk
Sa Quirino Highway eastbound:
– mula King Fisher Street hanggang Belfast Road, inner lane
Samantala, apektado rin ang General Luis Street mula Rebisco Road hanggang SB Diversion Road
Sa Elliptical Road eastbound:
– mula pagkatapos ng Maharlika Street, ika-anim na lane mula sa outer sidewalk
sa A. Bonifacio Avenue northbound:
– mula J. Pineda Street hanggang Marvex Street, ikalawang lane mula sa sidewalk
Muli namang bubuksan sa mga motorista ang mga nabanggit na kalsada bandang alas singko, Lunes ng madaling-araw, October 21.
Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.