Ilang pangunahing lansangan sasailalim sa reblocking at repair ngayong weekend
Magsasagawa ng road repair at reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.
Ayon kay Ador Canlas, direktor ng DPWH-National Capital Region, magsisimulang isara ang mga aayusing kalsada bandang alas onse, Biyernes ng gabi, October 18.
Narito ang mga apektadong kalsada:
ESDA Southbound:
– Camp Crame Gate hanggang pagkatapos ng Annapolis Street, sa tabi ng MRT
– bago mag-Estrella Street, outer lane
– Panorama Building hanggang Bansalangin Street, unang lane mula sa sidewalk
EDSA Northbound:
– pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang New York Street, ikatlong lane mula sa sidewalk
– malapit sa National Irrigation Administration (NIA) South Road, ikatlong lane mula sa sidewalk
Sa Katipunan avenue/C-5 northbound:
– Pagkatapos ng C.P. Garcia Street, truck lane
Sa bahagi naman Gregorio Araneta Avenue (G. Araneta);
– mula T. Arguelles hanggang Bayanin, unang lane mula sa sidewalk
Sa Quirino Highway eastbound:
– mula King Fisher Street hanggang Belfast Road, inner lane
Samantala, apektado rin ang General Luis Street mula Rebisco Road hanggang SB Diversion Road
Sa Elliptical Road eastbound:
– mula pagkatapos ng Maharlika Street, ika-anim na lane mula sa outer sidewalk
sa A. Bonifacio Avenue northbound:
– mula J. Pineda Street hanggang Marvex Street, ikalawang lane mula sa sidewalk
Muli namang bubuksan sa mga motorista ang mga nabanggit na kalsada bandang alas singko, Lunes ng madaling-araw, October 21.
Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.