Desisyon ng SC sa EDCA iaapela ng mga militanteng grupo

By Chona Yu January 12, 2016 - 07:54 PM

edca-ibasura
Inquirer file photo

Tiniyak ng grupong Bayan na kanilang iaapela ang desisyon ng Supreme Court na nagde-deklarang Constitutional ang nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Renato Reyes,  Secretary General ng grupong Bayan, kinukunsulta na nila ang kanilang mga abogado para sa paghahain ng motion for reconsideration sa Supreme Court.

Tiwala si Reyes na mababago pa ang desisyon ng Mataas na Hukuman dahil hindi naman unanimous ang naging desisyon ng mga Mahistrado.

Paniwala ni Reyes, ang EDCA ang magiging daan para makabalik sa bansa ang mga base militar ng Amerika.

Matatandaang nilagdaan ang EDCA nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at U.S Ambassador Philip Goldberg noong April 28, 2014 o isang araw bago ang unang pagbisita noon sa bansa si U.S President Barack Obama.

Ang grupong Bayan ang isa sa mga naghain ng petisyon para kwestyunin ang legalidad ng EDCA.

TAGS: BAYAN, EDCA, U.S, VFA, BAYAN, EDCA, U.S, VFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.