Suspek sa panghahalay sa 2-taong gulang na batang babae naaresto sa Negros Oriental

Naaresto na ng mga otoridad ang lalaking suspek sa panghahalay at brutal na pagpatay sa dalawang taong gulang na batang babae sa Negros Oriental.

Nadakip ang suspek na si Modesto Tuban Padeño Jr., 32 anyos sa Sitio Pinangemnan, Barangay Obat bayan ng Sta. Catalina Biyernes (Oct. 18).

Ayon kay Police Colonel Rizalito Gapas, Acting Provincial Director ng Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO) nadakip si Padeño sa ikinasang hot-pursuit operation ng pinagsanib na pwesa ng Dauin at Sta. Catalina Police Station.

Nasukol ang suspek sa bahay ng kaniyang tiyuhin kung saan siya nagtago matapos gawin ang krimen.

Ayon kay Gapas, base sa autopsy report ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory ang bata ay nakitaan ng lacerations sa pribadong bahagi ng katawan at pinsala sa kaniyang ulo.

Natagpuan ang katawan ng biktima noong Huwebes (Oct. 17) ng umaga sa madamong bahagi ng Barangay Maayong-Tubig sa bayan ng Dauin.

May mga testigo namang nakapagturo kay Padeño na huli umanong naktiang kasama ng biktima.

Read more...