Draft ng committee report sa imbestigasyon sa ‘ninja cops’ inilabas na ng Senado; Albayalde dapat managot sa kasong graft

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 02:54 PM

Inilabas na ni Senator Richard Gordon ang draft ng committee report sa isinagawang imbestigasyon laban sa ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa drug recycling.

Ayon kay Gordon base sa report ng komite, ‘very liable’ si dating PNP chief Oscar Albayalde para sa kasong graft dahil sa kontrobersyal na buy-bust operation ng kaniyang mga tauhan sa Pampanga noong 2013.

Sinabi ni Gordon na nasa Department of Justice (DOJ) o Office of the Ombudsman na ang pagpapasya hinggil sa pagsasampa ng reklamo laban kay Albayalde.

Pero ayon sa senador, maaring maharap si Albayade sa paglabag sa section 3 (a) ng Republic Act or the Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa ginawang pagtawag kay Philippine Drug Enforcement Agency director general Aaron Aquino, na noon ay Region 3 police director at kay retired police general Rudy Lacadin.

Ayon kay Gordon, sinubukan ni Albayalde na noon ay direktor ng Pampanga Police Provincial Office na kumbinsihin sina Aquino at LAcadin na kaugnay sa kinasangkutang kontrobersiya ng kaniyang mga tauhan.

Maliban kay Albayalde inirekomenda din ng panel na mapanagot sa graft ang 13 pulis na nagsagawa ng operasyon.

TAGS: draft committee report, ninja cops, Oscar Albayalde, PH breaking news, Philippine News, senate hearing, senate panel, Senator Richard Gordon, Tagalog breaking news, tagalog news website, draft committee report, ninja cops, Oscar Albayalde, PH breaking news, Philippine News, senate hearing, senate panel, Senator Richard Gordon, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.