Marjorie Barretto nagsalita na kaugnay sa umano’y naganap na away nilang magkakapatid sa burol ng ama

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 02:06 PM

Nagsalita na si Marjorie Barretto hinggil sa mga naglabasang balita na nagkaroon ng gulo sa pagitan nilang magkakapatid sa burol ng kanilang ama.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Marjorie na pawang “false statements” ang inilahad sa media at binago ang kwento sa kung ano ang totoong nangyari sa burol ng kanilang ama.

Tugon ito ni Marjorie matapos sabihin ni Gretchen na tumanggi itong magka-ayos sa kanila at dumating sa puntong nasaktan ni Marjorie si Claudine dahilan para isugod ito sa ospital.

Ayon kay Marjorie, ilang taon nang nagtutulong sina Gretchen at Claudine na sirain ang kaniyang pangalan.

Nilinaw din nitong noon pa man ay gusto na niyang makipag-ayos at mas mabuti sana kung nangyari ito noong mga panahong nakaratay at buhay pa ang kanilang ama.

Apela ni Marjorie sa publiko, huwag paniwalaan ang sinasabi ng kaniyang mga kapatid dahil hindi nila inilahad kung ano ang totoong naging ugat ng tensyon sa burol.

Hiniling din ni Marjorie na iwasan muna ang panghuhusga at hintaying mailibing ang kanilang ama.

Tila may pagbabanta pang sinabi ni Marjorie na sandaling maihimlay ang ama ay sasabihin niya sa unang pagkakataon ang lahat ng mga katotohanan.

Kasabay nito, humiling din siya ng dasal dahil sa sandali aniyang sabihin niya ang katotohanan ay malalagay sa delikado ang kanilang buhay.

Makapangyarihan aniya ang “boyfriend ng kaniyang kapatid”, pero sinabi ni Marjorie, hindi si Tony Boy na long-time partner ni Gretchen ang kaniyang tinutukoy.

Sa huli ay humingi ng paumanhin si Marjorie kay Pangulong Duterte na nadamay pa sa kanilang gulo.

TAGS: Barretto sisters, Gretchen Barretto, Marjorie Barretto, Barretto sisters, Gretchen Barretto, Marjorie Barretto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.