1 Australian, 1 Pinay, patay sa pamamaril sa Olongapo City

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 01:03 PM

Patay ang dalawang katao sa insidente ng pamamaril sa Olongapo City.

Nangyari ang pamamail sa Ulo ng Apo sa bahagi ng Rizal Avenue Biyernes, Oct. 18 pasado alas 10:00 ng umaga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Olongapo City Vice Mayor Jong Cortez, dead on the spot ang dalawang biktima na isang Pinay at isang Australian national na pawang nakasakay sa kulay pulang kotse.

Isa pang Australian din ang dinala sa ospital dahil nagtamo din ito ng tama ng bala ng baril.

Base sa inisyal na pagususri ng Olongapo City police sa mga kuha ng CCTV sa lugar, ang suspek ay kasama mismo ng mga biktima sa loob ng sasakyan nang maganap ang pamamaril.

Wala ring nakitang tama ng bala ng baril na posibleng galing sa labas kaya tiyak na nasa loob din ng kotse ang suspek.

Mabilis tumakas ang suspek na ayon kay Cortez ay isa ring dayuhan.

Ligtas naman ang dalawang taong gulang na bata na anak ng Pinay at Australian at nasa pangangalaga muna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at pinaghahanap na ang dayuhang suspek.

TAGS: 2 dead, Olongapo City, PH breaking news, Philippine News, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2 dead, Olongapo City, PH breaking news, Philippine News, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.