Reaksyon ito ng kumpanya sa pagtutol at pagkadismaya ng ilang miyembro ng pamilya Malvar sa pagkakapili sa Pinoy boxing champion para gumanap sa nasabing papel.
Sa isang Facebook post, sinabi ng great grandson ni General Malvar na si Gabriel Malvar na isang “disrespectful” at “disservice” sa kanilang lolo kung si Pacquiao ang gaganap sa naturang papel.
Sa isang official statement mula kay Atty. Jose Malvar Villegas, Jr. ng JMV Film, naninindigan sila sa pagpili kay Pacquiao at sinabing nilalagyan lang ng kulay pulitika ang isyu.
Apela pa ni Villegas na sa halip na bumatikos ay tulungan daw sila na maitama ang kasaysayan at magkaisa para kapakanan ng kanilang ninuno.
Kinokonsidera umano ni Villegas na maghain ng legal na aksyon laban sa mga “bashers and trolls” na nagpapadala ng hindi magandang mensahe sa kanila.
Samantala, sa panig naman ni Senator Pacquiao, inihayag nito na tinanggap niya ang proyekto dahil nagandahan siya sa istorya at nais niyang makapag-bigay ng inspirasyon sa kapwa Filipino.
Ang shooting ng nasabing pelikula ay magsisimula sa susunod na taon.
Base sa publicity material, ang pelikula na may working title na Heneral Malvar ay pamamahalaan ni Direk Kaka Balagtas at may budget umano na aabot ng mahigit sa P100-milyon.