JMV Production ipinagtanggol ang pagpili kay Sen. Pacquiao para gumanap bilang Gen. Miguel Malvar

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 12:52 PM

Nanindigan ang JMV Production sa pagpili nila kay Senator Manny Pacquiao para gumanap sa pelikula tungkol sa Filipino General na si Miguel Malvar.

Reaksyon ito ng kumpanya sa pagtutol at pagkadismaya ng ilang miyembro ng pamilya Malvar sa pagkakapili sa Pinoy boxing champion para gumanap sa nasabing papel.

Sa isang Facebook post, sinabi ng great grandson ni General Malvar na si Gabriel Malvar na isang “disrespectful” at “disservice” sa kanilang lolo kung si Pacquiao ang gaganap sa naturang papel.

Sa isang official statement mula kay Atty. Jose Malvar Villegas, Jr. ng JMV Film, naninindigan sila sa pagpili kay Pacquiao at sinabing nilalagyan lang ng kulay pulitika ang isyu.

Apela pa ni Villegas na sa halip na bumatikos ay tulungan daw sila na maitama ang kasaysayan at magkaisa para kapakanan ng kanilang ninuno.

Kinokonsidera umano ni Villegas na maghain ng legal na aksyon laban sa mga “bashers and trolls” na nagpapadala ng hindi magandang mensahe sa kanila.

Samantala, sa panig naman ni Senator Pacquiao, inihayag nito na tinanggap niya ang proyekto dahil nagandahan siya sa istorya at nais niyang makapag-bigay ng inspirasyon sa kapwa Filipino.

Ang shooting ng nasabing pelikula ay magsisimula sa susunod na taon.

Base sa publicity material, ang pelikula na may working title na Heneral Malvar ay pamamahalaan ni Direk Kaka Balagtas at may budget umano na aabot ng mahigit sa P100-milyon.

TAGS: General Miguel Malvar, JMV Production, PH breaking news, Philippine News, Senator Manny Pacquiao, Tagalog breaking news, tagalog news website, General Miguel Malvar, JMV Production, PH breaking news, Philippine News, Senator Manny Pacquiao, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.