2 drug suspect patay sa operasyon sa Cavite at Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 12:40 PM

Dalawang hinihinalang drug pusher ang nasawi sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa ng mga pulis sa Laguna at Cavite.

Sa Cavite, nasawi sa buy-bust operation ang suspek na si John Paul Patricio sa Barangay Pasong Kawayan 2 sa General Trias City.

Ayon sa mga pulis, miyembro si Patricio ng criminal group na “Salamat” na nag-ooperate sa lungsod.

Nagbenta si Patricio ng shabu sa police poseur buyer pero tinangka nitong tumakas gamit ang kaniyang motorsiklo nang siya ay aarestuhin na.

Pinaputukan ng suspek ang mga humahabol sa kaniyang pulis dahilan para barilin siya ng mga ito.

Sa Sta. Cruz, Laguna naman, nasawi din sa buy-bust operation si Percibal Mendoza.

Nagawang makabili ng mga pulis ng shabu sa suspek pero nagpaputok ito nang malamang pulis ang katransaksyon.

Si Mendoza ay miyembro umano ng “Macmac Punio” group na sangkot sa gun-for-hire activities at pagbebenta ng ilegal na droga.

TAGS: buy bust operation, cavite, General Trias, laguna, PH breaking news, Philippine News, sta cruz, Tagalog breaking news, tagalog news website, buy bust operation, cavite, General Trias, laguna, PH breaking news, Philippine News, sta cruz, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.