Rehabilitasyon ng runway ng Surigao Airport natapos na

By Erwin Aguilon October 18, 2019 - 12:18 PM

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na natapos na ang rehabilitasyon ng runway ng Surigao Airport na nawasak ng magnitude 6.7 na lindol noong 2017.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez, dahil dito madadagdagan ng 340 meters ang kasalukuyang 1,000 meters na runway.

Inaasahan na maibabalik ang mga flights mula at pabalik ng Manila sa muling pagbubukas nito bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ang mga biyahe naman anya ng eroplano mula Surigao patungong Cebu at pabalik ay makakapag operate muli ng walang limitasyon sa passenger load.

Matapos ang rehabilitasyon ng runway ng Surigao Airport, tatrabahuhin naman ng kontraktor nito na maibalik ang full operational capability nito na 1,800 meters hanggang sa first quarter ng 2020.

Sinabi naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang pagbabalik ng Manila flights sa Surigao ay hindi lamang para mapabilis ang byahe kundi ito rin ay para sa overall economic development ng Surigao Del Norte.

Dapat sana ay sa Nobyembre pa matatapos ang konstruksyon ng runway ng nasabing paliparan.

TAGS: Airport, PH breaking news, Philippine News, runway, Surigao Airport, surigao del norte, Tagalog breaking news, tagalog news website, Airport, PH breaking news, Philippine News, runway, Surigao Airport, surigao del norte, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.