Lokasyon ng TS Perla hindi nabago sa nakalipas na ilang oras dahil hindi kumikilos sa bahagi ng PH sea
Walang pagbabago sa lokasyon ng bagyong Perla sa nakalipas na 6 na oras.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, nanatili ang bagyo sa layong 790 kilometers east ng Basco, Batanes na parehong lokasyon nito sa 5AM weather bulletin.
Ayon sa PAGASA, hindi kumikilos ang bagyo at nananatili sa karagatan ng bansa.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Hindi na rin inaasahang makakaapekto ito sa extreme Northern Luzon at inaasahang hihina sa susunod na mga araw.
Mananatili namang apektado ng northeasterly surface windflow ang extreme Northern Luzon hanggang sa susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.