Anak ni Mexican drug kingpin “El Chapo” naaresto matapos ang ilang oras na pakikipagbarilan sa mga pulis
Sumiklab ang palitan ng putok sa pagitan ng mga otoridad at isang grupo na pinamumunuan ng anak ni drug kingpin Joaquin “El Chapo” Guzman.
Ilang oras na nangyari ang barilan sa pagitan ng Mexican security forces sa Culiacan, Sinaloa at grupo ng mga lalaking nakasuot ng face masks.
Kalaunan ay inanunsyo ng mga otoridad sa Mexico na nadakip nila ang 28 anyos na anak ni El Chapo na si Ovidio Guzmán López.
Si Ovidio Guzman ay isa sa mga anak ni El Chapo na nagpatuloy ng operasyon ng Sinaloa cartel.
May kinakaharap na kaso ang nakababatang Guzman gayundin ang isa pa niyang kapatid na si Joaquín Guzmán López.
Bago ang palitan ng putok, sinabi ni Sinaloa public security secretary, Cristóbal Castañeda na nagkaroon ng mass jailbreak at tumakas ang nasa 20 hanggang 30 preso.
Pinayuhan naman ang mga residente na iwasan muna ang lumabas hangga’t hindi natitiyak na ligtas na ang lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.