2 suspek sa pagpatay sa isang pulis, naaresto sa Zamboanga City

By Jimmy Tamayo October 18, 2019 - 10:16 AM

Arestado ang dalawang suspek sa pamamaslang sa isang pulis sa Zamboanga City noong Linggo, October 13.

Kinilala ng Zamboanga City Police Office ang mga naaresto na sina Madslan Saruwana, residente ng Barangay Canelar at si Alsid Ismael, residente ng Barangay Putik sa naturang lungsod na nadakip sa follow-up operations.

Base sa imbestigasyon si Saruwana ang bumaril kay Patrolman Pedro Umpad habang si Ismael ang nagmamaneho ng motorsiklo.

Sakay ng patrol car si Umpad ng pagbabarilin sa kahabaan ng Mayor Vitaliano Agan Avenue sa Barangay Camino Nuevo bandang alas-2:50 ng madaling araw noong linggo.

Kasama ni Umpad sa sasakyan ang kapwa pulis na si Patrolman Adamer Pandangan na gumanti pa ng putok sa mga suspek.

Unang naaresto si Saruwana sa inuupahan nitong apartment noong miyerkules at agad na umamin sa krimen.

Itinuro naman nito ang bahay ng kasabwat niyang si Ismael pero hindi ito naabutan ng pulis sa kanyang tinutuluyan bagamat naaresto siya sa lugar makaraang tawagan ni Saruwanan.

Base sa salaysay ng dalawa, nagalit sila sa pulis nang kumpiskahin ang kanilang lisensya at isyuhan ng ticket dahil sa pagmamaneho ng motorsiklong hindi rehistrado.

Ang dalawa ay kakasuhan ng murder, illegal possession of firearms and prohibited drugs.

TAGS: Patrolman Pedro Umpad, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga City, Patrolman Pedro Umpad, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.