Demolisyon sa mga kubol sa maximum security compound ng Bilibid natapos na

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 09:36 AM

Natapos na ang paggiba sa mga kubol sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Maj. Albert Taripu, tagapagsalita ng NBP, Biyernes (Oct. 18) ng umaga nang matapos ang paggiba sa mga kubol sa maximum security compound.

Kailangan na lang aniyang maglinis at maikarga ang mga kalat at debris sa dump trucks.

Ayon kay Taripu, sa kasagsagan ng demolisyon may mga nadiskubre din silang mga preso na na baldado na at may malalang sakit.

Sa pagtaya ni Taripu, maaring sa susunod na linggo tuluyan nang matatapos ang clearing operations sa Bilibid.

Samantala, maliban sa mga preso ay pinagbawalan din na gumamit ng cellphone ang mga empleyado ng BuCor sa maximum security compound.

Dahil sa pagkumpiska sa cellphone ng mga preso naputol ang komunikasyon ng mga Chinese drug lord sa kanilang mga contact sa labas hinggil sa operasyon nila ng ilegal na droga.

TAGS: clearing operations, Maximum Security Compound, New Bilibid Prisons, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, clearing operations, Maximum Security Compound, New Bilibid Prisons, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.