Eksena na nagpapakita ng nine-dash line ng China ipinapuputol sa pelikulang ‘Abominable’ bago maipalabas sa Malaysia
Ipinag-utos ng film censors sa Malaysia ang pagputol sa bahagi ng pelikulang “Abominable” na nagpapakita ng “nine-dash line” claim ng China sa South China Sea.
Ayon sa Film Censorship Board ng Malaysia, maaring maipalabas sa kanilang bansa ang pelikula pero hindi dapat isama ang eksena na nagpapakita ng naturang mapa.
Sa November 7 ay nakatakdang ipalabas sa Malaysia ang Abominable.
Sa Vietnam ay inalis na sa mga sinehan ang pelikula.
Habang dito sa Pilipinas, unang sinabi ng Malakanyang na ipinauubaya na nila sa MTCRB ang aksyon sa usapin.
Habang ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nanawagang putulin ang bahagi ng eksena na nagpapakita ng mapa, at nanawagang iboykot ang pelikula.
Ang Abominable ay tungkol sa kwento ng isang Chinese na bata na nadiskubre ang isang ‘yeti’ sa kanilang bubungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.