Susunod na PNP chief dapat magpatupad ng internal cleansing sa pambansang pulisya
Iginiit ni ACT-CIS Party-list Rep. Eric Go Yap na dapat pumili si Pangulong Rodrigo Duterte ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad ng mas pinaigting na internal cleansing sa kanilang hanay.
Ayon kay Yap, hindi kailangan ng PNP ng isang pinuno na magsisilbi lang na make-up artist na pagtatakpan ang pangit na imahe ng institusyon.
Higit sa kwalipikasyon sa papel ay dapat mayroon din aniya itong integridad bukod sa pagtupad sa mandato na labanan ang kriminalidad.
Naniniwala naman ang kongresista na pinag-iisipan pang mabuti ni Pangulong Duterte kung sino ang papalit sa nagbitiw na si General Oscar Albayalde upang hindi ito magkamali ng itatalagang hepe ng pambansang pulisya.
Kung sinuman anya ang nagrerekomenda sa punong ehekutibo ng listahan ng mga pangalan ay hindi lamang seniority ang dapat ikonsidera kundi galit rin sa korapsyon.
Sa sandaling pangalanan na ang PNP Chief ay agad siyang makikipag-usap dito para alamin ang pananaw ukol sa mga tiwaling pulis at kung nasisiyahan ba ito sa performance ng Internal Affairs Service pati na ang usapin sa benepisyo ng police retirees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.