Hinunangan, Leyte niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 06:26 AM

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Hinunangan sa lalawigan ng Leyte.

Naitala ang pagyanig alas 5:02 ng umaga ng Biyernes, Oct. 18.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 24 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Samantala, alas 3:41 ng madaling araw ay tumama naman ang magnitude 3.3 na lindol sa Malaybalay City sa Bukidnon.

19 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic din ang origin.

Wala ding inaasahang pinsala na dulot ang nasabing lindol.

 

TAGS: bukidnon, earthquake, leyte, PH breaking news, Philippine News, quake, Tagalog breaking news, tagalog news website, bukidnon, earthquake, leyte, PH breaking news, Philippine News, quake, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.