Pagtatagpo ng magkakapatid na Claudine, Gretchen at Marjorie sa burol ng kanilang ama nauwi sa gulo; Claudine naospital

Claudine Barretto IG

Naospital si Claudine Barretto makaraang makatalo umano ang kapatid na si Marjorie Barretto habang nasa burol ng kanilang yumaong ama.

Nauwi umano sa pagtatalo ang pagkikita ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine sa burol.

Sinubukan pa umano mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamagitan sa magkakapatid at hinimok na magkasundo na ang mga ito bilang respeto sa yumao nilang ama.

Gayunman, nabigo ang pangulo na pagkasunduin ang magkakapatid.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Gretchen na hiniling ni Pangulong Duterte na makipag-shake hands sa kaniya si Marjorie pero hindi ito pumayag hanggang sa nauwi na sa sagutan ang insidente.

Ibinahagi naman ni Gretchen ang larawan ni Claudine habang nasa ospital.

Ayon kay Gretchen nagtamo si Claudine ng galos sa kamay, at nahilo dahil sa kaguluhan.

Sinabi ni Ruby Baguhin, isa sa mga staff ng pamilya Barretto, inatake umano ni Marjorie si Claudine.

Wala namang pahayag pa ang kampo ni Marjorie sa nangyari.

Read more...