Apat na miyembro ng isang pamilya sa Makati arestado sa pagtutulak ng ilegal na droga

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 06:03 AM

Dinakip ang apat na miyembro ng isang pamilya sa ikinasang operasyon ng Makati City Police sa Barangay Pitogo, Huwebes (Oct. 17) ng gabi.

Kabilang sa nadakip ang tatay, nanay, anak at tiyuhin na nadatnan sa kanilang tahanan.

Nakuhanan sila ng 53 sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa P26,000 ang halaga.

Sinabi ni Makati City Police Chief Rogelio Simon, ikinasa ang operasyon laban sa isang alyas Pidoy pero nagawa nitong makatakas.

Itinanggi naman ng padre de pamilya na sangkot sila sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Ang hinahanap umano ng mga pulis na si alyas Pidoy ay matagal nang hindi umuuwi sa kanilang tahanan.

TAGS: buy bust, four persons arrested, makati city, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, buy bust, four persons arrested, makati city, PH breaking news, Philippine News, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.