Sunog sumiklab sa Navotas Fish Port; 700 pamilya ang nawalan ng tirahan

Tinupok ng apoy ang mga bahay sa Barangay North Bay Boulevard North (NBBN) sa Navotas City.

Nagsimula ang sunog alas 2:48 ng madaling ng Biyernes (Oct. 18) sa bahagi ng Market 3 ng Navotas Fish Port.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nakataas na sa ikalimang alarma ang sunog.

Inaalam pa ang kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Pero ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Navotas, tinatayang nasa 700 hanggang 800 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog.

Read more...