Bagyong Perla lumakas pa, isa nang tropical storm ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2019 - 05:42 AM

Lumakas pa ang bagyong Perla at ngayon ay nasa tropical storm category na.

Ayon sa PAGASA ang bagyo ay halos hindi kumikilos sa karagatan ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 790 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA, bukas araw ng Sabado o sa Linggo ang bagyong Perla ay maaring maghatid ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at sa Apayao.

Mahigpit pa rin namang ipinagbabawal ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa baybayin ng Northern Luzon dahil sa malakas na alon.

TAGS: Pagasa, perla, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical storm, weather, Pagasa, perla, PH breaking news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tropical storm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.