Utos ni Duterte kay Espenido: “You are free to kill everybody”

By Angellic Jordan October 18, 2019 - 01:17 AM

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

“You are free to kill everybody.”

Ito ang naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Police Lt. Col. Jovie Espenido ukol sa kampanya laban sa ilegal na droga sa Bacolod.

Si Espenido ay bagong talaga bilang deputy police director for operations ng Bacolod City Police Office.

Sa talumpati sa 45th Philippine Business Conference & Expo, Huwebes ng gabi, inihayag ng pangulo na lubos nang apektado ng ilegal na droga ang Bacolod.

Ito aniya ang dahilan kung bakit niya itinalaga si Espenido sa nasabing probinsya.

Sinabi pa ng pangulo na maaari nang simulan ni Espenido ang pagpatay at dalawa na silang magpapa-preso dahil dito.

Si Espenido ay naging kontrobersyal noong siya ay hepe ng Albuera police matapos mapatay si dating Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng kulungan.

Ang nasabing opisyal din ang pinuno ng Ozamiz City police nang masawi sa serye ng drug raid si dating Mayor Reynaldo Parojinog at 14 iba pa.

TAGS: Bacolod, ilegal na droga, Jovie Espenido, Rodrigo Duterte, Bacolod, ilegal na droga, Jovie Espenido, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.