Ang nasabing grupo ang responsable sa pag-oorganisa ng mga kilos-protesta sa Hong Kong.
Ayon sa grupo, hindi bababa sa apat hanggang limang katao ang umatake kay Jimmy Sham, 32-anyos, sa bahagi ng Mong kok sa Kowloon.
Pinagpapalo umano ng mga kalalakihan ng martilyo si Sham bago tuluyang iniwan nang duguan sa lansangan.
Kaagad na naisugod sa ospital si Sham.
Sa ngayon, nasa maayos nang kondisyon ang biktima at patuloy na nagpapagaling sa ospital.
Hindi ito ang unang beses na mayroong umatake kay Sham.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Hong Kong police sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES