Pagbebenta ng pork products mula sa Luzon online, binabantayan na rin ng ASF task force sa Cebu

Binabantayan na rin ng African Swine Fever Task Force sa Cebu ang pagbebenta ng karne ng baboy mula sa Luzon gamit ang social media.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. mary Rose Vincoy, ito ay matapos mahuli ang isang lalaki mula sa Talisay City na nagbenta ng tocino mula sa Pampanga online noong October 11.

Aniya, nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen ukol sa pagbebenta ng pork products mula sa Luzon sa Facebook page na “Negosyo ni RHOX Sari-Sari.”

Naglabas na aniya ng cease and desist order ang Legal Office ng Talisay City laban sa seller dahil wala rin itong naipakitang business permit.

Samantala, patuloy namang tinututukan ng task force ang mga supermarket at palengke para hindi makapasok ang mga karne ng baboy.

Nasa mahigit 56 probinsya ang nagpatupad ng total ban sa pagpasok ng pork products mula sa Luzon kasunod ng outbreak ng naturang sakit sa baboy sa ilang lugar sa rehiyon.

Read more...