Pangulong Duterte may banat sa mga ninja cop, drug pusher at holdaper

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

“I can be evil like you and more then if I want to be.”

Ito ang naging patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tulak ng droga, holdaper at maging ninja cop o mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng droga.

Sa kaniyang talumpati sa 45th Philippine Business Conference & Expo sa Manila Hotel, diretsong inihayag ng pangulo na akala ng ninja cops, mga tulak ng droga at holdaper na sila lang ang matigas dahil sa aniya’y pagiging “monopoly of evil” sa bansa.

Tinawag ito ng pangulo bilang isang “stupid paradigm.”

Aniya, kayang niyang maging masama at mas masama pa kung gugustuhin niya.

Ngunit, nagdesisyon aniya siya na manatiling mabuti.

Matatandaang nasa 13 pulis-Pampanga ang sinasabing ninja cops sa maanomalyang anti-drug operation sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Dito isiniwalat ni dating CIDG director at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong na sangkot umano si dating PNP chief General Oscar Albayalde bilang Pampanga police provincial director noon.

Read more...